Japan, kinukunsidera na palawakin at pahabain pa ang large-scale vaccination sa Tokyo at Osaka

Plano rin ng pamahalaan na mag-set up ng pansamantalang libreng coronavirus testing sites sa mga major train stations at airports ngayong summer holiday season.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJapan, kinukunsidera na palawakin at pahabain pa ang large-scale vaccination sa Tokyo at Osaka

Kinukunsidera ng pamahalaan ng Japan na i-extend ang operasyon ng malawakan at maramihang pag-babakuna na siyang pinapatakbo ng Self-Defense Forces sa Tokyo at Osaka, dahil sa muling pag-dami ng kaso ng impeksyon sa bansa.

Ang arawang talaan ng mga bagong impeksyon ay umabot na sa 150,000 nitong Miyerkules, tatlumpu sa apatnaput-pitong prepektura ng Japan ay nag-tatala ng mataas na bilang araw-araw, at ang pigura sa Osaka ay lumagpas na ng 20,000 sa unang pagkakataon.

Ang pag-babakuna sa large-scale venues sa 2 major cities ay naka-schedule na matapos ngayong pag-tatapos ng buwan.

Wala pa namang plano na mag-pataw ng anumang restrictions ang central government sa kasalukuyan, dahil wala pa namang sinasabi ang lokal na pamahalaan ukol sa quasi-emergency measures.

Ngunit plano ng mga opisyales na gamitin ang social media at iba pang platform upang hikayatin ang mga kabataan na magpa-booster shot. Ang porsyento ng kabataan na nakapagpa-bakuna na ng ikatlong beses ay nananatiling mababa sa 60 porsyento.

Hinihikayat ni Chief Cabinet Secretary Matsuno Hirokazu ang mga tao na tumanggap ng ikatlong dose ng bakuna upang maprotektahan ang sarili pati na rin ang kanilang mga pamilya, kaibigan, nakatatanda at iba pang mga taong malapit at mahalaga sa kanila.

Plano ng pamahalaan na gumawa ng hakbang upang maiwasang magkaroon ng impeksyon ang mga nakatatanda, dahil sila ang nasa higher risk na magka-sakit ng malubha.

Plano rin ng pamahalaan na mag-set up ng pansamantalang libreng coronavirus testing sites sa mga major train stations at airports ngayong summer holiday season.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund