Ayon sa diplomatic sources, si Taiwanese Vice President Lai Ching-te ay bumisita sa Japan upang ipahatid ang kanyang pakikiramay sa pag-panaw ng dating Punong Ministro Shinzo Abe.
Ayon sa source, si Lai ay umalis ng Taipei nuong Lunes ng umaga at dumating sa Tokyo.
Ayon sa isang Taiwanese legislator na malapit kay Lai, inatasan umano ni President Tsai Ing-wen ang bise upang ipahatid ang kanilang pakikiramay.
Sinabi ng presidential office na hindi nito ilalahad ang schedule ni Lai alin-sunod sa kahilingan ng pamilya ni Abe.
Ayon sa pag-uulat ng Taiwanese media, si Lai ang highest-ranking Taiwanese official na bumisita sa Japan mula ng ang dalawang panig ay pinutol o tinapos ang kanilang diplomatic ties 50 taon na ang nakalilipas.
Ayon sa iba pang diplomatic source, si Lai ay bumyahe patungong Japan sa pribadong kapasidad.
Hindi karaniwan na ang pag-byahe ng kasalukuyang Taiwanese Vice President sa Japan ay isina-publiko.
Ang pag-bisita nito ay maaaring mag-sanhi ng ibang reaksyon mula sa Tsina.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation