Ang mga awtoridad sa Chinese capital ng Beijing ay nag-simulang magsa-gawa ng large-scale PCR testing campaign upang labanan ang coronvirus bilang tugon sa isang outbreak na nag-mula sa isang bar sa central district ng Chaoyang.
Ang tatlong-araw na PCR testing drive ay nag-simula nuong Lunes at sasakop ng mahigit 3.4 milyong residente ng distrito. Pumila ang mga tao sa mga test venues.
Ayon sa mga opisyal, mayroong 28 na kaso na konektado sa isang bar na nakumpirma nuong Huwebes, at mahigit 8,000 katao ang napag-alamang nagkaroon ng close contact nitong Linggo.
Lahat ng sporting event sa buong kapitolyo ay ikinansela. Mananatiling naka-sarado ang Universal Studio theme park sa Beijing.
Ang pag-taas ng kaso ng impeksyon ay nag-simula nuong Abril, ipinag-bawal ng mga opisyal ang pag-silbi sa loob sa mga kostumer sa mga kainan at bar sa loob ng isang buwan.
Ang large-scale testing ay isina-gawa isang linggo matapos itaas ng mga opisyal ang restriksyon sa halos ilang lugar sa lungsod nitong June 6, base sa pag-baba ng bilang ng kaso ng impeksyon.
Ang pamahalaan ni Presidente Xi Jinping na ipinapanatiling “zero-COVID” policy.
Mas dinagdagan na ng mga opisyal ang hakbang upang ma-contain ang outbreak kapag nagkakaroon ng pag-taas sa bilang ng mga kaso ng impeksyon. Ang pag-tugon na ito ay nag-tataas ng pag-aalala ukol sa ekonomiya at kapakanan ng mga tao.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation