Luhansk government: Lahat ng tulay papuntang Severodonetsk ay winasak na

Nanawagan rin ang pangulo sa American Jewish community na gamitin ang kanilang impluwensiya upang matulungan mga taga-Ukraine.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLuhansk government: Lahat ng tulay papuntang Severodonetsk ay winasak na

Ang pwersa ng mga Russian ay patuloy ang kanilang matining pag-atake sa mga Ukranian stronghold sa Severodonetsk sa eastern region ng Luhansk.

Binomba ng mga Russian ang natitirang sa 3 tulay na nag-kokonekta sa kapitolyo ng Severodonetsk matapos nitong sirain ang dalawa pa, at pag-alis ng posibilidad na maka-likas ang mga sibilyan.

Ang gobernador ng Luhansk na si Serhiy Haidai ay nag-bigay ng pahayag sa social media nitong Lunes na lahat ng mga tulay ay nasira na, at ang mga sibilyan ay sinusubukang mabuhay ng ligtas kahit na sa mahirap ng kondisyon.

Ipinahayag din ng gobernador ang kanyang pag-aalala para sa mga taong pansamantalang tumutuloy sa Azot chemical plant, isa sa mga songholds ng Ukrainian troops na nage-defend sa lungsod.

Idinagdag rin ni Haidai mahigit 500 katao, kabilang ang 40 bata ay pansamantalang tumutuloy sa nasabing lugar. Sinabi din niya na hindi kasing tibay ng Aztovstal steel mill sa Mariupol ang underground shelter sa chemical plant.

Ang presidente ng Ukraine na si President Volodymyr Zelenskyy ay nag-padala ng isang video message sa isang pag-pupulong ng isang American Jewish organization na isina-gawa sa New York nuong Linggo.

Siya ay nanawagan na pabilisin ang tulong sa pag-bigay ng mga sandata sa Ukraine, sinabi nito na kung wala silang malakas na sandata, mag-papatuloy lamang ang giyera at marami pang mga taong masasawi.

Nanawagan rin ang pangulo sa American Jewish community na gamitin ang kanilang impluwensiya upang matulungan mga taga-Ukraine.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund