Japan at Vietnam nag-hahanap ng paraan upang mapa-gaan ang problemang pang-pinansiyal ng mga technical trainees

Sinabi ng Foreign Ministry ng Japan na ang halaga ng mga dapat bayaran ng mga technical trainees para maka-punta ng Japan ay umaabot sa 3,800 hanggang 7,600 dolyares na siyang nag-tutulak sa kanila na magka-utang.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJapan at Vietnam nag-hahanap ng paraan upang mapa-gaan ang problemang pang-pinansiyal ng mga technical trainees

Ang mga awtoridad ng Japan at Vietnam ay gagawa ng hakbang upang mapa-igi ang financial burden ng mga Vietnamese national na papasok sa Japan bilang technical trainees.

Maraming Vietnamese na technical trainees ang nag-tatrabaho sa Japan. Bago matapos ang taon 2021, halos 58 porsiyento o 16,000 na mga technical trainees ay mula sa Vietnam.

Ngunit ang gastusin patungong Japan ay napaka-mahal para sa mga Vietnamese.

Sinabi ng Foreign Ministry ng Japan na ang halaga ng mga dapat bayaran ng mga technical trainees para maka-punta ng Japan ay umaabot sa 3,800 hanggang 7,600 dolyares na siyang nag-tutulak sa kanila na magka-utang.

Kasama sa mga gastusin ang kabayaran sa mga organisasyon na siyang naka-atas sa pagpapa-dala ng mga trainees sa Japan, mga bayarin para sa pag-aaral ng wikang hapon at bayarin sa mga agents na humanap ng trabaho para sa kanila sa Japan.

Ang mga referral agents na nasa Vietnam ay kadalasang naniningil ng mahigit 1,500 dollars para sa mga nag-hahanap ng trabaho.

Ang mga pamahalaan ng Japan at Vietnam ay planong mag-lunsad ng isang system kung saan maaaring magkaroon ng libreng access ang mga trainees sa mga job offers at iba pang impormasyon sa Japan.

Ang nabanggit na kinukunsidirang sistema ay isang smartphone app na siyang mag-lalagay ng mga tala ng mga working condition at mga Japanese employers na tumatanggap ng mga trainees, kabilang na rin ang kumpletong impormasyon ng mga dispatching organization sa Vietnam. Inaasahan na masimulan ang sistema bilang trial basis sa pinaka-maaga panahon, bandang umpisa ng termino ng susunod na taon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund