2 Cambodian trainee natagpuang patay, suspect isang Pilipinong trainee

Isang Pinoy trainee hinuli noong ika-7 ng Hunyo sa hinalang pagpatay sa dalawang Cambodian trainee noong ika-26 ng nakaraang buwan. #PortalJapan see more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp2 Cambodian trainee natagpuang patay, suspect isang Pilipinong trainee

Isang Pinoy trainee hinuli noong ika-7 ng Hunyo sa hinalang pagpatay sa dalawang Cambodian trainee noong ika-26 ng nakaraang buwan.

Natagpuan ang dalawang lalaki na patay sa isang apartment sa Nanae, Tomisato City, Chiba Prefecture.

Noong ika-7, inaresto ng prefectural police ang Filipino technical intern trainee na si Bulan Roel Bulan (30) dahil sa hinalang pagpatay.

Ang dalawang lalaking namatay ay parehong Cambodian nationals. Sinasabing magkasamang nakatira ang suspek sa isang apartment kung saan namatay ang dalawa.

Natagpuan ang suspek na nakahandusay, walang suot pantaas at duguan malapit sa kanyang apartment at dinala sa ospital. Ayon sa prefectural police, sinaksak ng suspek ang Cambodian technical intern trainee na si Mon Samet (25) at isa pang Cambodian at pinatay gamit ang kutsilyo sa apartment ng madaling araw noong Mayo 26.

Iniimbestigahan na ng prefectural police ang suspek at ang dalawa na namatay kung ano ang alitan sa kanila na naging dahilan ng pagpatay.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund