Ina ng batang lalaking taga-Fukuoka Prefecture na namatay dahil sa gutom, hinatulan ng 5 taong pagkaka-bilanggo

Kahit na mahirap para sa kanya na hindi sundin ang mga sinabi ni Akahori, sinabi ng hukom na dapat pa rin sisihin si Ikari dahil sa hindi pag-tangkang sagipin o isalba ang sariling anak na si Shojiro.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ang imaheng ito ay kuha nuong 2021 ng Fukuoka District Court sa Fukuoka Chuo Ward.

FUKUOKA– isang ginang ang kinasuhan ng pagpapa-baya na nag-resulta sa pagka-matay ng 5 taong gulang na anak nito dahil sa pagka-gutom nuong Abril taong 2020, ay hinatulan ng 5 taong pagkaka-bilanggo ng isang lay judge trial sa Fukuoka District Court nitong June 17. Si presiding Judge Atsushi Tomita ang nag-baba ng hatol sa ina ng batang lalaki na si Rie Ikari, 40 anyos, nang walang probation. ” Ang kanyang pag-uugali na pagpapa-baya na magutuman ng mahabang panahon ang bata ay napaka-lupit. Hindi na ito maibabalik pa, napaka-samang pag-uugali na naging sanhi ng pagka-wala ng isang buhay ng tao,” ani ng Judge.

Habang ang mga prosekyutor ay nag-demand ng 10 taong pagka-bilanggo, sinabi ni Tomita na si Ikari ay isa ring biktima, dahil ang kanyang araw-araw na pamumuhay ay minamanipula ng kanyang 49 anyos na kakilala na si Emiko Akahori, na siya ring kinasuhan ng pagpapa-baya ng isang taga-pangalaga na siyang nag-resulta sa pagka-matay ng anak na lalaki ni Ikari na si Shojiro, na naninirahan sa Sasaguri, Fukuoka Prefecture.

Ayon sa abogado ni Ikari, ang desisyon kung sila ay mag-hahain ng apela sa sintensiya ay magaganap base sa konsultasyon nang mga taong sangkot sa kaso.

Ang sintensiya ay napag-tanto na si Akahori ay nag-sinungaling kay Ikari tungkol sa kaso laban sa kanyang dating asawa, at ini-utos na ibigay ni Ikari ang kanyang pangka-buhayan at nag-sabi na kinakailangan niyang bayaran ang “boss” ng isang sindikato na siyang namamagitan sa nasabing usapan. Napag-alaman rin na si Akahori ay nag-pataw ng isang strict dietary restrictions kay Shojiro na anak ni Ikari at sinasabing ” mas kailangan na manalo tayo sa kaso.”

Sinabi ni Tomita na hindi nabigyan ni Ikari ng hustong pagkain ang kanyang anak dahil “sa ito ay kagustuhan niya, ngunit dahil siya ay naloko at napaniwala sa mga kasinungalingan ni Akahori na siyang kumuha ng kanilang pera, at hindi maka-kuha ng pagkain ng hindi dumidepande kay Akahori.”

Isina-alang alang rin ng hukom ang impluwensiya ni Akahori sa pag-control sa ina ng bata, at nag-sabi na si Ikari ay ” naka-gawa ng krimen dahil nawala ang kanyang judgement ability at inakala niya na dapat niyang sundin ang lahat ng sinasabi ni Akahori .”

Subalit, pinunto rin ng presiding judge na si Ikari ay  ” may abilidad pa ring mag-desisyon sa kanyang sarili.” Kahit na mahirap para sa kanya na hindi sundin ang mga sinabi ni Akahori, sinabi ng hukom na dapat pa rin sisihin si Ikari dahil sa hindi pag-tangkang sagipin o isalba ang sariling anak na si Shojiro.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund