Mahigit 800,000 katao sa Japan, walang secondary education

Ang pamahalaan ay nananawagan sa mga Lupon ng Edukasyon sa buong bansa na mag-bukas ng mas marami pang night classes sa mga paaralan para ang mga taong nais muling mag-aral ay makapag-eskwelang muli.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ayon sa isang Japanese survey, halos 800,000 katao sa bansa ay nakapag-tapos lamang ng elementarya, karamihan sa mga ito ay matatanda.

At halos 95,000 pang mga iba ang halos walang edukasyon.

Ang mga pigura ay napag-alaman base sa mga resulta ng pinaka-bagong census nitong Oktubre taong 2020.

Naging compulsory sa Japan ang pag-aaral ng anim na taon sa elementarya at tatlong taon sa Junior high school, matapos ang World War II.

Ngunit halos 804,293 katao ang hindi na nakapag-Junior High School. Halos 90% ay nag-eedad na 80 pataas. Ito ay nangangahulugan lamang na sila ay nasa edad ng pag-aaral habang o  matapos ang giyera.

Mahigit 2,500 katao naman na nasa kanilang 20’s at 300 katao naman na nag-eedad ng 15 hanggang 19 anyos ay hindi rin naka-pasok sa secondary education.

2.5% sa mga ito ay mga dayuhan, ngunit mahigit 50% ng mga tao ay nasa kanilang 50’s at pababa.

Ang pamahalaan ay nananawagan sa mga Lupon ng Edukasyon sa buong bansa na mag-bukas ng mas marami pang night classes sa mga paaralan para ang mga taong nais muling mag-aral ay makapag-eskwelang muli.

Sa loob ng 47 na prepektura ng bansa, 15 lamang na prepektura ang mayroong night classes.

Source: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund