2 Pinoy patay at 4 na iba pa sugatan matapos ang wrong way head-on-collision sa national highway

Noong Hunyo 19 ng madaling araw, 2 lalaking Pinoy ang namatay at 4 na iba pa ang sugatan matapos pumasok sa wrong way ang sasakyan sa highway at nag sanhi ng head-on-collision sa National Highway No. 246 Bypass sa Susono City, Shizuoka Prefecture #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp2 Pinoy patay at 4 na iba pa sugatan matapos ang wrong way head-on-collision sa national highway

Noong Hunyo 19 ng madaling araw, 2 lalaking Pinoy ang namatay at 4 na iba pa ang sugatan matapos pumasok sa wrong way ang sasakyan sa highway at nag sanhi ng head-on-collision sa National Highway No. 246 Bypass sa Susono City, Shizuoka Prefecture

Ayon sa pulisya, pasado alas-3:00 ng madaling araw noong Hunyo 19, isang kei car at isang ordinaryong pampasaherong sasakyan ang nagbanggaan sa bypass up line ng National Highway No. 246 sa Tomizawa, Susono City.

Sa aksidenteng ito, dinala sa ospital na may cardiopulmonary arrest ang isang Filipino na lalaking office worker (48) na nagmamaneho ng kei car at isang Filipino national male office worker (50), ngunit binawian sila ng buhay.

Dagdag pa rito, apat na lalaki at babae ang nasugatan. Ayon sa kagawaran ng bumbero, pinaniniwalaan na nagkamaling pumasok ang kei car na minamaneho ng Pinoy sa exit ng bypass sa national highway, at bumangga sa isang ordinaryong pampasaherong sasakyan na patungo sa Gotemba City.

Maingat na iniimbestigahan ng pulisya ang sanhi ng aksidente. Dahil sa epekto ng aksidenteng ito, ang national highway No. 246 bypass up line ay sarado nang humigit-kumulang 5 oras sa paligid ng lugar ng aksidente.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund