TOKYO- Ang Tokyo metropolitan government ay nag-ulat ng 3,161 bagong kaso ng coronavirus noong linggo, tumaas ng 182 mula Sabado at bumaba ng 1,775 mula noong nakaraang Linggo.
Ang bilang ng mga nahawaang tao na naospital na may malubhang sintomas sa Tokyo ay siyam, bumaba ng dalawa mula Sabado, ito ay ayon sa mga opisyal ng pangkalusugan. Ang bilang sa buong bansa ay 165, bumaba ng anim mula noong Sabado.
Sa buong bansa, ang bilang ng mga naiulat na kaso ay 26,865. Pagkatapos ng Tokyo, ang mga prefecture na may pinakamaraming kaso ay ang Osaka (2,253), Kanagawa (1,930), Hokkaido (1,854), Fukuoka (1,575),Okinawa (1,554), Aichi (1,428), Saitama (1,202), Hyogo (1,043), Chiba (1,023), Hiroshima (645), Ibaraki (634), Kagoshima (580), Shizuoka (480), Kyoto (417), Kumamoto (409), Oita (344),Tochigi (342), Okayama (333), Gifu (332), Gunma (305), Aomori (300), Kagawa (292), Miyagi (289), Miyazaki (281), Nagano (276), Fukushima (275),Akita (230), Mie (226), Niigata (223), Ehime (212), Iwate (211), Shiga (211), Wakayama (177), Yamaguchi (172) and Kochi (158).
Ang bilang ng mga pagkamatay na nauugnay sa coronavirus at naiulat sa buong bansa ay 34.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation