Lalaki arestado, matapos pag-nakawan at tangkang pag-patay sa isang babae sa love hotel

Nagka-kilala sina Miura at ang babae sa isang social network site noong Biyernes at ang kanilang pagtatagpo sa love hotel ang una nilang pagkikita.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

NAGOYA- Sinabi ng pulisya sa Nagoya noong Linggo na inaresto nila ang isang 50-anyos na lalaking walang trabaho dahil sa hinalang pagnanakaw at sa pagtatangkang pagpatay sa isang 24-anyos na babae.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:10 ng madaling araw noong Sabado sa isang kuwarto sa love hotel sa Higashi Ward. Sinipi ng Tokai TV ang pulisya na sinabi ng suspek na si Masato Miura, na walang permanenteng address, ay nag-check in sa hotel kasama ang babae noong Biyernes ng hapon.

Sinabi ng pulisya na si Miura ay inakusahan ng pagnanakaw ng handbag ng babae na naglalaman ng 64,000 yen at nang subukan nitong pigilan siya, sinimulan niya itong sakalin para pakawalan siya.

Pagkalabas niya ng silid, humingi ng tulong ang babae at naabutan ng isang empleyado ng hotel si Miura sa labas ng hotel at pinasuko siya hanggang sa dumating ang mga pulis.

Sinabi ng pulisya na nagka-kilala sina Miura at ang babae sa isang social network site noong Biyernes at ang kanilang pagtatagpo sa love hotel ang una nilang pagkikita.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund