Japan Foreign Ministry, inaasahan bumalik sa bansa kasama ang mga Ukrainian evacuees

Nagtungo si Hayashi sa lungsod ng Rzeszow sa Poland noong Linggo, malapit sa hangganan ng Ukraine. Nakilala niya ang mga opisyal ng UN refugee agency at iba pang internasyonal na organisasyon na tumutulong sa mga evacuees.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJapan Foreign Ministry, inaasahan bumalik sa bansa kasama ang mga Ukrainian evacuees

Ang Japanese Foreign Minister na si Hayashi Yoshimasa ay nakatakdang makipagpulong sa mga pinuno ng gobyerno ng Poland sa Lunes upang talakayin ang Ukraine. Inaasahang lilipad siya pabalik ng Japan kasama ang ilang evacuees mula sa Ukraine.

Si Hayashi ay bumibisita sa Poland bilang isang espesyal na sugo ng Punong Ministro na si Kishida Fumio.Makakaharap niya ang Punong Ministro ng Poland na si Mateusz Morawiecki at Ministrong Panlabas na si Zbigniew Rau sa Lunes.

Pag-uusapan nila ang tungkol sa mga paraan upang suportahan ang mga taong tumatakas sa pagsalakay ng Russia sa Ukraine.Sinabi ng UN na tinanggap ng Poland ang humigit-kumulang 60 porsiyento ng higit sa apat na milyong evacuees mula sa Ukraine.

Nakatakdang umalis si Hayashi sa Poland patungong Japan sakay ng eroplano ng gobyerno mamaya.

Sinabi ng mga opisyal ng gobyerno ng Japan na may 20 evacuees ang umaasa na makasakay sa flight.

Nagtungo si Hayashi sa lungsod ng Rzeszow sa Poland noong Linggo, malapit sa hangganan ng Ukraine. Nakilala niya ang mga opisyal ng UN refugee agency at iba pang internasyonal na organisasyon na tumutulong sa mga evacuees.

Sinabi ni Hayashi na nalaman niya ang tungkol sa ilang mga hamon sa pagbisita. Gagamitin daw niya ang kanyang nakita at narinig sa ground para mapabuti ang tulong ng Japan para sa mga evacuees.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund