Impormasyon tungkol sa My Number Points

Ito po yung sinasabing matatanggap na 20,000 points.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspImpormasyon tungkol sa My Number Points

Magandang araw mga kababayan,

Malamang ay narinig o nabasa na ninyo itong aming ibabahagi.

Ipaliliwanag namin ito ng mas malinaw.

 

My Number points, Ano ito?

 

1. Kapag ipina-rehistro ninyo ang inyong My Number Card sa inyong Credit Card o Debit Card, kayo ay maka-tatanggap ng 5,000 points ngunit bago ito matanggap kinakailangan na gumastos o maglagay ng pera (20,000) sa inyong debit card at credit card.

2. Kapag ipina-rehistro mo ang inyong My Number Card sa inyong National Health Insurance Card or Shakai Health Card, kayo ay maka-tatanggap ng 7,500 points (ngunit kasalukuyan pang pinag uusapan kung paano ito matatanggap. Naka-takdang malaman ang sagot sa darating na buwan ng Hunyo.)

*Bakit kailangan ipa-rehistro ang inyong health card insurance sa inyong My Number?

A: Maaaring ipakita lamang ang inyong My Number sa mga ospital at clinic kapag hindi nadala ang health insurance. At kapag ang isang indibidwal ay nagkaroon ng malubhang sakit o kinakailangan ng matagal na gamutan, hindi na kinakailangan na magpunta sa munisipyo o shakai office upang humingi ng Gendougaku Ninteisho. Sa madaling salita, mas mapapagaan ang proseso sa pag gamit ng sistemang ito.

3. Pagpapa-rehistro ng inyong banko at My Number.

Kapag ipina-rehistro ninyo ang inyong My Number sa inyong banko, kayo ay maka-tatanggap ng 7,500 pointsd, kayo ay maka-tatanggap ng 7,500 points (ngunit kasalukuyan pang pinag uusapan kung paano ito matatanggap. Naka-takdang malaman ang sagot sa darating na buwan ng Hunyo.)

*Bakit ito kailangan gawin?

A: Para sa susunod na magka-roon ng mga Ayuda o pag-babalik ng pera mula sa gobyerno, ito ay direkta nang ipapasok sa inyong banko. Hindi na sila mag-sasayang ng mga papel upang padalhan ang mga taong dapat makatanggap ng nasabing ayuda.

Kung may karagdagang katanungan pa, mangyari lamang na mag-tungo sa My Number Center ng inyong munisipalidad.

(My Number Center sa Matsusaka City ay nasa loob ng Maxvalu Okuroda Branch)

Mon. & Tues. Close

Wed. to Sun. Open

Period of Application: 2023. End of February

PAALALA:

Ito po yung sinasabing matatanggap na 20,000 points.

Source and Image: Matsusaka Municipal/Sarah Bartolome

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund