3 katao ang inaresto dahil sa pagka-matay ng isang nag-mamay ari ng pub sa Yamagata

Sinipi ng lokal na media ang pulisya na nagsasabing si Furusawa ay pinalo nang husto sa ulo at mukha.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

YAMAGATA-
Ang mga pulis sa Yamagata City, Yamagata Prefecture, noong Huwebes ay inaresto ang tatlong lalaki sa hinalang pagpatay sa isang 36-anyos na lalaki na ang katawan ay natagpuan noong Miyerkules sa loob ng pub na pag-aari niya.

Ayon sa pulisya, si Shota Furusawa, na nagmamay-ari ng The Romp, isang British pub, ay natagpuang naka handusay sa loob ng pasukan ng establisyimento noong Miyerkules bandang 4:30 ng hapon. Matatagpuan ang pub na may 150 metro mula sa JR Yamagata Station.

Sinipi ng lokal na media ang pulisya na nagsasabing si Furusawa ay pinalo nang husto sa ulo at mukha. Dinala siya sa ospital kung saan siya’y kumpirmadong namatay.

Ang pub ay bukas tulad ng normal na araw noong Martes ng gabi, at naniniwala ang pulisya na pinatay si Furusawa matapos umalis ang mga huling customer noong Miyerkules ng umaga.

Sinabi ng pulisya na ang tatlong suspek, na may edad 41, 31 at 30, ay nagtrabaho sa isang kumpanya na nagpapatakbo ng isa pang pub at nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Furusawa.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund