Mga gusali ng pamahalaan sa Tokyo, papa-ilawin gamit ang mga kulay ng Ukraine

Sinabi ni Koike na umaasa siya na ang pag papa-iilaw ay makakatulong sa publiko na mapagtanto ang pangangailangan na magpadala ng mensahe ng suporta sa mga tao ng Ukraine.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inanunsyo ni Tokyo Gobernador Koike Yuriko noong Lunes na ang gusali ng tanggapan ng pamahalaang metropolitan ay iilawan nang mga makukulay na bandila ng Ukrainian bilang pagpapakita ng pakikiisa sa bansa.

Sinabi ni Koike sa mga mamamahayag na ang 240-meter skyscraper sa Shinjuku ay iilawan ng asul at dilaw tuwing gabi mula Lunes hanggang sa susunod na Linggo

Sinabi niya na ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine ay isang paglabag sa pandaigdigang batas at labis na nagpapahina sa soberanya at integridad ng teritoryo ng Ukraine.

Tinawag niya ito na isang hamon na aksyong militar sa internasyonal na komunidad at demokrasya.

Sinabi ni Koike na umaasa siya na ang pag papa-iilaw ay makakatulong sa publiko na mapagtanto ang pangangailangan na magpadala ng mensahe ng suporta sa mga tao ng Ukraine.

Source: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund