Isang lalaki ang inaresto, matapos asultohin ang 8 taong gulang na anak ng kinakasama

Ang ina ng batang babae ay nasa trabaho sa mga oras na iyon. Pagbalik niya sa bahay, sinabi ng kanyang anak na may dugo sa kanyang ihi at dinala siya sa ospital kung saan sinabi ng mga doktor na siya ay may pinsala sa bato.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

CHIBA-
Inaresto ng pulisya sa Inzai, Chiba Prefecture, ang isang 28-anyos na lalaking walang trabaho, dahil sa hinalang pananakit sa 8 taong-gulang na anak na babae ng kanyang kasintahan sa kanilang apartment.

Ayon sa pulisya, sinipa ni Kenta Shinro ang dalagita sa tiyan bandang ala-una ng hapon. noong Peb 2, na nagdulot ng panloob na pagdurugo, iniulat ng Fuji TV. Ang ina ng batang babae ay nasa trabaho sa mga oras na iyon. Pagbalik niya sa bahay, sinabi ng kanyang anak na may dugo sa kanyang ihi at dinala siya sa ospital kung saan sinabi ng mga doktor na siya ay may pinsala sa bato.

Ayon sa pulisya kumunsulta sa kanila ang ina ng batang babae at pagkatapos ng imbestigasyon ay inaresto si Shinro noong Miyerkules, Sinabi ng pulisya na inamin ni Shinro ang kaso at na nagsabing nairita siya dito matapos basain ng babae ang sarili.

Nasa bahay lamang ang babae dahil sarado pa ang kanyang paaralan ng dahil sa coronavirus. Mula noong nakalabas na siya sa ospital.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund