Isang doktor ang inaresto sa Kyoto, dahil sa suspisyong pag-vivideo nito habang ino-operahan ang isang babaeng pasyente

Ayon sa pulisya, gumamit si Arai ng isang smartphone para kunan ang isang 27-anyos na babae na sumasailalim sa operasyon sa ospital ng unibersidad noong Nobyembre 29.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

KYOTO- Isang 43-anyos na doktor sa Kyoto Prefectural University of Medicine hospital ang inaresto dahil sa hinalang paglabag sa public nuisance ordinance ng prefecture matapos daw kunan ng video ang isang babaeng pasyente habang nasa operasyon.

Sinabi ng pulisya na si Akihito Arai, isang doktor sa departamento ng otolaryngology, ay nanatiling tahimik mula noong siya ay arestuhin noong Lunes. Ayon sa pulisya, gumamit si Arai ng isang smartphone para kunan ang isang 27-anyos na babae na sumasailalim sa operasyon sa ospital ng unibersidad noong Nobyembre 29. Ang pasyente ay walang malay sa oras na iyon matapos mabigyan ng general anesthesia. Ang video sa smartphone ni Arai ay nagpapakita na ang kanyang damit ay itinulak pataas upang ipakita ang kanyang hubad na katawan, sabi ng pulisya.

Bagaman naroroon ang iba pang mga medikal na kawani sa operating room, lumilitaw na hindi nila alam kung ano ang nangyayari, sinabi ito ng mga opisyal ng ospital sa pulisya.

Sinabi ng pulisya na ang pangalawang video ng isa pang babaeng pasyente na sumasailalim sa operasyon ay natagpuan sa pag-aari ni Arai at na si Arai ay isang suspek sa ilang mga kaso ng pamboboso. Noong nakaraang Dec 14, si Arai ay tinanong ng mga pulis matapos kunan ng video ang palda ng isang high school girl sa JR Kyoto Station.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund