Share
Ang operator ng isang bullet train ng Tohoku Shinkansen na nadiskaril sa Miyagi Prefecture pagkatapos ng lindol noong Miyerkules ay nagsabing, ito ay bumibiyahe ng may mabagal na takbo.
Sinabi rin ng kompanya na ang tren ay lumabas sa riles pagkatapos ng lindol na naging sanhi ng pag-activate ng emergency brake nito.
Ang tren ay tumatakbo mula Fukushima hanggang sa istasyon. Ang pinakamataas na bilis sa pagitan ng dalawa ay 320 kilometro bawat oras. Sinabi ng kompanya na bumagal ang tren nang tumama ang lindol.
Idinagdag nito na ang karagdagang pagsusuri ay kinakailangan upang matukoy ang eksaktong bilis sa oras ng pagkadiskaril.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation