85 anyos na ginang, patay sanhi ng pananaksak, asawang lalaki sugatan, sa isang kaso ng suicide-murder

Sinabi niya sa pulisya na nang matagpuan niya ang kanyang mga magulang ay sinabi sa kanya ng kanyang ama na sinaksak niya ang kanilang ina at gusto na rin nitong mamatay.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

IBARAKI- Ayon sa pulisya, Isang 85-anyos na babae ang sinaksak ng kanyang 87-anyos na asawa pagkatapos ay nagtangkang magpakamatay, sa kanilang tahanan sa Hitachi, Ibaraki Prefecture.

Ang dalawa ay natagpuan ng kanilang panganay na anak na babae nang dumalaw ito sa kanila pasado alas-12 ng gabi noong Martes matapos walang sumagot sa kanyang mga tawag sa telepono, iniulat ng Fuji TV.

Sinabi ng pulisya na dinala si Sumiko Kaminaga sa ospital kung saan siya binawian ng buhay. Ang kanyang asawa ay may tama ng kutsilyo sa kanyang tiyan na kung saan pinaniniwalaan ng mga pulis na ito ay dulot ng pananakit sa sarili.

Sinipi ng pulisya ang mga doktor na nagsasabing ang kanyang sugat ay hindi naman banta sa buhay nito.

Sinabi ng pulisya na ang anak na babae ng mga ito ay nakatira sa ibang lugar sa Ibaraki Prefecture. Sinabi sa kanila na ang kanyang ama ang nag-iisang tagapag-alaga ng kanyang may sakit na ina. Sinabi niya sa pulisya na nang matagpuan niya ang kanyang mga magulang ay sinabi sa kanya ng kanyang ama na sinaksak niya ang kanilang ina at gusto na rin nitong mamatay.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund