Arestado ng Tokyo Metropolitan Police Department ang isang 30-anyos na lalaking Pilipino dahil sa pagyaya at pagsama sa isang elementary boy(10) na nakilala niya sa social media. Siya ay kinasuhan ng kidnapping.
Ayon sa Tokyo Metropolitan Police Department, ang Filipino national na si Banaga Christian Aijo ay pinaghihinalaang nag-imbita ng elementarya na bata na nakilala niya sa social media noong nakaraang buwan at dinala niya ito sa siyudad ng Tokyo.
Nakita ni Banaga ang video na ipinost ng bata sa social media at nag-message silang dalawa, at tila nakikipagpalitan ito ng messages na niyayaya niya and bata, isa sa mga na release na message ay “pwede kitang samahan manood tayo ng sine.”
Umalis ng bahay ang bata ng umaga na di nagpapa-alam sa mga magulang at hinanap siya ng Metropolitan Police Department matapos makatanggap ng report mula sa kanyang mga magulang na nawawala ang kanilang anak simula pa ng umaga.
Nakita ng mga police si Banaga sa Odaiba, Tokyo nang gabi din iyon sa isang train station na kasama ang bata. Bilang tugon sa imbestigasyon, itinanggi ng suspek ang mga paratang, na nagsasabing, “Wala naman akong masamang intensyon at hindi ko alam na krimen pala ang ginawa ko at maaari akong hulihin.”
Join the Conversation