Lalaki nanaksak ng isang train employee sa Gifu

Isang empleyado ng train station ang nasugatan ng isang lalaking may hawak nga kutsilyo sa Ogaki, Gifu Prefecture, noong Lunes. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaki nanaksak ng isang train employee sa Gifu

GIFU

Isang empleyado ng train station ang nasugatan ng isang lalaking may hawak nga kutsilyo sa Ogaki, Gifu Prefecture, noong Lunes.

Naganap ang insidente sa employee lounge sa Ogaki Station sa Yoro Line bandang alas-12:50 ng tanghali, iniulat ng Sankei Shimbun.Pumasok sa break room ang 32-anyos na empleyado para maglinis nang bigla siyang inatake ng lalaki mula sa likuran. Pinaniniwalaang nagtago sa silid ang suspek bago nilalaslas ang walang kamalay malay na biktima na nagtamo ng sugat sa kaliwang braso ng empleyado.

Ayon sa operator ng Yoro Railway, ang lounge ng empleyado ay mapupuntahan mula sa platform ng train. Mayroon ding nakalagay na karatula sa pintuan na nagbabawal sa mga pasahero na pumasok sa pasilidad. Gayunpaman, kadalasang naka-unlock ang pinto dahil ang mga staff at driver ng istasyon ay madalas na ginagamit ang common room.

Inilarawan ang suspek na nasa 165 sentimetro ang taas, mapayat, at nakasuot ng itim mula itaas hanggang ibaba at nakasuot ng ski mask.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund