Kinondena ng Punong Ministro ng Japan na si Kishida Fumio ang aksyong militar ng Russia sa Ukraine at nangakong tutugon ito nang mabilis sa pakikipag-ugnayan sa US at iba pang bansa.
Nagsagawa si Kishida ng pulong ng National Security Council noong Huwebes, kasunod ng mga ulat na naglunsad ng Russia ng mga operasyong militar sa Ukraine.
Kabilang sa mga dumalo ay sina Foreign Minister Hayashi Yoshimasa at Defense Minister Kishi Nobuo.
Sa pagsasalita sa mga mamamahayag pagkatapos ng pulong, sinabi ni Kishida na nakatanggap siya ng briefing tungkol sa pinakabagong sitwasyon sa Ukraine. Sinabi niya na sa pagtaas ng tensyon, inatasan niya ang mga opisyal na gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang matiyak ang kaligtasan ng mga Japanese sa Ukraine.
Sinabi ng punong ministro na ang pagsalakay ng Russia ay isang tahasang paglabag sa pangunahing internasyonal na pamantayan na ang unilateral na pagbabago sa status quo sa pamamagitan ng puwersa ay hindi maaaring mangyari.
Join the Conversation