Isang police officer ang inaresto dahil sa pagka-matay ng isang motorista sa isang aksidente

Ang pulis ay nagmamaneho ng kanyang sariling sasakyan papunta sa trabaho nang dumaan siya na pula pa ang ilaw sa intersection at nabangga ang motorbike na nagmumula sa kanyang kaliwa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

CHIBA- Isang 27-anyos na pulis sa Chiba City ang inaresto dahil sa hinalang delikadong pagmamaneho na nagresulta sa kamatayan matapos siyang magmaneho habang pula pa ang ilaw sa isang intersection at bumangga sa isang motor. Namatay ang 36-anyos na lalaki na nakasakay sa motor dahil sa mga pinsala mula sa pagkabangga.

Ayon sa pulisya, naganap ang aksidente bandang alas-5 ng umaga noong Miyerkules sa isang intersection sa Hanamigawa Ward, iniulat ng Fuji TV. Ang pulis na si Shogo Oshima, ay nagmamaneho ng kanyang sariling sasakyan papunta sa trabaho nang dumaan siya na pula pa ang ilaw sa intersection at nabangga ang motorbike na nagmumula sa kanyang kaliwa.

Dinala sa ospital ang rider ng motor na si Daisuke Kondo kung saan idineklara itong dead on arrival.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund