HYOGO
Inaresto ng pulis sa Tatsuno, Hyogo Prefecture ang isang 39 anyos na lalaki na nag-tatrabaho sa isang residential facility para sa mga may kapansanan sa pag-iisip, sa suspetsang pag-aasulto sa isang 27 anyos na lalaki na residente sa nasabing pasilidad.
Ayon sa mga pulis, ang insidente ay naganap sa Palette Tatsuno bandang alas-2:30 ng madaling araw nuong ika-20 ng Pebrero, base sa ulat ng Fuji TV. Inaakusahan si Nobuhiro Miyake na sinipa sa mukha ang biktima na siyang nag sanhi ng pagka-bali ng buto nito sa ilong.
Sinabi ng mga pulis na si Miyake ay nag-tatrabaho na pang-gabi at inasulto ang lalaki nang ito ay magising nuong madaling araw. Nuong mga oras na yun, sinabi ni Miyake sa isang katrabaho na nagka-pinsala ang biktima “matapos itong madulas sa banyo.” Ngunit nag-duda ang mga ibang facility staff sa sinabi ng akusado, nakita nila ang ebidensya matapos mapanuod ang kuha mula sa security camera.
Ipina-alam na sa pamilya ng biltima ang nangyari at nag-report na rin sa mga kinauukulan.
Ayon sa mga pulis, umamin naman sa paratang laban sa kanya ang akusado.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation