5 lalaki arestado, dahil sa pagka-matay ng isa nilang katrabaho

Ang limang kalalakihan ay umamin sa pagkaka-sala ngunit hindi pa sinasabi ang pinag-simulan ng away sa pagitan ng mga suspek at biktima.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

Inaresto ng pulis ng Oshu, Iwate Prefecture na nag-eedad nang 20 hanggang 40 sa suspetsang matinding pang-bubugbog sa isang 38 anyos na lalaking katrabaho sa loob ng bakutan ng kumpanya.

Ayon sa mga pulis, si Takamasa Oyokawa, 30 anyos na nakatira sa Ichinoseki City ay inaresto nuong Miyerkules kasama pa ang apat na lalaking katrabaho nito na naninirahan sa Oshu at Ichinoseki, ayon sa ulat ng Sankei Shimbun. Sinabi ng mga pulis na ang limang kalalakihan ay inaakusahan na sumuntok at sumipa sa isa pa nilang kasamahan na si Yoshiro Mita sa isang construction site lagpas ala-sais ng hapon nuong Lunes. Ang biktima ay agad na isinugod sa ospital kung saan ito binawian ng buhay bandang alas-10 ng gabi ng Martes.

Ayon sa mga pulis, ang limang kalalakihan ay umamin sa pagkaka-sala ngunit hindi pa sinasabi ang pinag-simulan ng away sa pagitan ng mga suspek at biktima.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund