Pinag-hahanap na lalaki, nagpahiwatig na pinatay ang sariling asawa bago mawala

Tumawag sa isang lalaking kakilala bandang 3:30 p.m.at nagpahiwatig sa pagpatay ng kanyang asawa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

SHIZUOKA- Hinahanap ng Shizuoka Prefectural Police ang asawa ng isang 65-anyos na babae na natagpuang patay sa kanilang apartment sa Numazu City noong Martes.

Kinilala ng pulisya ang namatay na babae bilang si Yoko Ichikawa, iniulat ng Sankei Shimbun. Ayon sa pulisya, ang asawa ni Ichikawa, na nasa edad 60, ay tumawag sa isang lalaking kakilala bandang 3:30 p.m.at nagpahiwatig sa pagpatay ng kanyang asawa.

Tumawag ang kaibigan ng pulis na pumunta sa apartment na naka-lock. Matapos pasukin, natagpuan nila ang bangkay. Sinabi ng pulisya na walang katibayan ng paghihirap at walang panlabas na palatandaan ng pinsala sa katawan.

Sinabi ng pulisya na isasagawa ang autopsy upang matukoy ang sanhi ng kamatayan. Wala na rin daw silang narinig mula kay Ichikawa simula nung tumawag siya sa telepono ng isang kaibigan.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund