3 arestado sa pagnanakaw at pagpatay sa 80 years old na lalaki

Inaresto ng pulisya sa Osaka ang dalawang lalaki at isang babae dahil sa pag akyat bahay, pagnanakaw at pagpatay sa isang 82-anyos na lalaki sa kanyang tahanan sa Ikuno Ward noong Disyembre. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

OSAKA

Inaresto ng pulisya sa Osaka ang dalawang lalaki at isang babae dahil sa pag akyat bahay, pagnanakaw at pagpatay sa isang 82-anyos na lalaki sa kanyang tahanan sa Ikuno Ward noong Disyembre.

Ayon sa pulisya, ang tatlong suspek — sina Masakazu Ukegawa, 44, empleyado ng kumpanya, ang kanyang asawang walang trabaho na si Saki, 23, na parehong nakatira sa Yao, at Toshio Nogi, 58, isang construction worker mula sa Osaka — ay pumasok sa bahay ni Katsuya Kawasaki sa pamamagitan ng isang balkonahe sa ikalawang palapag bandang 12:30 ng umaga noong Disyembre 1 na may layuning pagnakawan siya, iniulat ng Fuji TV. Pinalo nila ng martilyo sa ulo ang biktima, sabi ng pulis.

Sinabi ng pulisya na inamin ni Ukegawa ang nagawang krimen at ayon sakanya narinig nila na si Kawasaki ay nag-tatago ng maraming pera at mahahalagang bagay sa loob ng kanyang bahay. Nagtrabaho si Kawasaki bilang isang tagapahiram ng pera bago siya nagretiro. Sinabi ng pulisya na ninakaw ng mga suspek ang malaking halaga ng pera matapos patayin si Kawasaki.

Isang kaibigan na bumisita kay Kawasaki bandang alas-7 ng umaga ang nakatuklas ng kanyang bangkay.

Sinabi ng pulisya na ang tatlong suspek ay nakilala matapos ang pagsusuri sa footage ng street surveillance camera sa labas ng bahay ni Kawasaki.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund