Lalaki arestado, matapos matagpuan ang labi ng lolo sa ilalim ng sahig

Nang bumisita ang mga pulis sa tahanan ni Sakaue noong Linggo,inamin niya na inilagay niya ang katawan ng kanyang lolo sa ilalim ng mga floorboards.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

KAGOSHIMA- Inaresto ng Kagoshima Prefectural Police ang isang 20-anyos na lalaking walang trabaho dahil sa hinalang pag-abandona ng bangkay matapos matagpuan ang bangkay ng kanyang 86-anyos na lolo sa ilalim floorboards ng kanilang tahanan sa Minami-Kyushu City.

Ayon sa pulisya, sinabi ni Daiki Sakaue na namatay ang kanyang lolo na si Satoshi noong unang linggo ng Nobyembre, iniulat ng Fuji TV. Si Satoshi ay regular na bumibisita sa isang ospital para sa isang malalang sakit, at isang opisyal ng welfare ng lungsod ang regular na bumibisita sa kanya sa kanyang tirahan.

Gayunpaman, hindi makontak si Satoshi mula sa huling linggo ng Nobyembre, kaya kumunsulta ang isang opisyal ng welfare sa pulisya noong Disyembre 2. Nang bumisita ang mga pulis sa tahanan ni Sakaue noong Linggo,inamin niya na inilagay niya ang katawan ng kanyang lolo sa ilalim ng mga floorboards.

Sinabi ng pulisya na walang panlabas na palatandaan ng pinsala sa katawan ni Satoshi at isasagawa ang autopsy upang matukoy ang sanhi ng kamatayan.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund