Isang lalaki arestado, dahil sa pag-patay sa 88 taong gulang na ina

Ang suspek na nagsasabing "hindi niya naaalala" o "hindi alam" ang anumang mga detalye tungkol sa nangyaring insidente.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

HYOGO-
Inaresto ng mga pulis sa Kamigori, Hyogo Prefecture, ang isang 49-anyos na lalaking walang trabaho dahil sa hinalang pagpatay sa kanyang 88-anyos na ina sa kanilang tahanan. noong Linggo.

Ayon sa pulisya, nakatira ang suspek kasama ang kanyang ina at nakatatandang kapatid na babae, iniulat ng Sankei Shimbun. Sinabi ng pulisya na siya ay inakusahan ng pananaksak sa kanyang ina, si Shizuko Nishikawa, nang maraming beses gamit ang isang kutsilyo noong Sabado ng hapon.

Bandang alas-11:40 ng gabi, umuwi ang 64-anyos na anak na babae ng biktima at natagpuan itong nakalugmok at duguan sa banyo sa unang palapag.Agad siyang tumawag sa 119. Dinala si Nishikawa sa ospital kung saan siya binawian ng buhay.

Ang kinaroroonan ng kanyang anak ay hindi pa alam sa mga oras na iyon. Sinabi ng pulisya na nakita siya ng isang patrol car sa loob ng isang sasakyan sa isang kalye sa Himeji City, Hyogo Prefecture, bandang alas-4 ng umaga noong Linggo.

Inimbistigahan ng pulisya ang suspek na nagsasabing “hindi niya naaalala” o “hindi alam” ang anumang mga detalye tungkol sa nangyaring insidente.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund