40 anyos na lalaki arestado dahil sa pag-kamatay ng sariling ama

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit binawian din ito ng buhay makalipas ang dalawang oras.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

IBARAKI-
Inaresto ng pulisya sa Hitachinaka, Ibaraki Prefecture, ang isang 40-anyos na lalaki dahil sa hinalang tangkang patayin ang kanyang 79-anyos na ama sa kanilang tahanan.

Ayon sa pulisya, sinaksak ni Hiroshi Usui ang kanyang amang si Kensuke sa dibdib at tiyan gamit ang kutsilyo sa kusina bandang 11:30 ng umaga noong Martes, iniulat ng Fuji TV. Tumawag ang ina ni Usui sa 119 at sinabing nasaksak ang kanyang asawa.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit binawian din ito ng buhay makalipas ang dalawang oras.

Sinabi ng pulisya na nanatiling tahimik si Usui habang tinatanong ito.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund