Tokyo hotel naga-alok ng special ‘quarantine package’

Ang Shinjuku Prince ay may package na may kasamang apat na gabing pamamalagi at tatlong pagkain sa isang araw. Ibig sabihin, hindi na kailangang umalis ng mga bisita sa hotel sa panahon ng kanilang quarantine. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspTokyo hotel naga-alok ng special 'quarantine package'

Maraming mga hotel sa Japan ang nahihirapan sa mababang bilang ng customer dahil sa coronavirus pandemic. Ngunit maaaring magbago iyon, ngayon na ang panahon ng self-quarantine para sa mga international business travelers ay nabawasan mula 10 araw naging tatlo nalang.

Isang hotel sa Tokyo ang nag-aalok ng espesyal na deal.

Ang Shinjuku Prince ay may package na may kasamang apat na gabing pamamalagi at tatlong pagkain sa isang araw. Ibig sabihin, hindi na kailangang umalis ng mga bisita sa hotel sa panahon ng kanilang quarantine.

May kasama din na PCR test kits, dahil mandatory ang pag-report sa gobyerno.

Maaaring dalhin ng mga bisita ang kanilang mga test sample sa isang klinika sa loob ng hotel at matanggap ang mga resulta sa pamamagitan ng smartphone.

Ang package ay may presyo mula sa humigit-kumulang 500 dollars hanggang mahigit 600 dollars lang bawat tao, kasama ang PCR testing at mga pagkain.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund