Isang taunang fire drill ang isinagawa sa isang World Heritage village sa central Japan.
Ang mga residente at boluntaryong bumbero ng Shirakawa Village sa Gifu Prefecture ay nakibahagi sa drill noong Linggo upang protektahan ang mga bahay na may kakaibang matarik na bubong na pawid.
Ang drill ay isinasagawa bawat taon kagaya sa panahon ngayon kapag ang hangin ay natutuyo.
Alas-8 ng umaga habang umaalingawngaw ang sirena, bumulwak ang tubig mula sa 59 na water cannon sa iba’t ibang bahagi ng nayon, na lumikha ng mga pader ng tubig upang protektahan ang mga treasured house mula sa mga spark.
Noong Nobyembre 2019, dalawang pawid na cabin sa isang parking lot para sa mga turista ang nasunog. Matagumpay na napigilan ng mga residente ang pagkalat ng apoy sa pamamagitan ng mano-manong pagpapatakbo ng mga water cannon.
Sinabi ng isa sa mga residente na mahalaga ang drill para magkaroon ng kaalaman ang mga tao at nakakatulong ito sa kanila upang maging handa, bagama’t nagulat sila sa nangyaring sunog dalawang taon na ang nakararaan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation