Isang ginang ang nag-punta sa isang police box at nag-sabi na pinatay niya ang kanyang asawa

Si Uemura ay kinausap ng pulisya at nagsabi ito na ang kanyang asawa ay may sakit sa kalusugan at madalas na nakaratay sa kama.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

YOKOHAMA-
Inaresto ng pulisya sa Yokohama ang isang 58 taong gulang na babae na nagpakita sa isang koban (police box) at sinabing pinatay niya ang kanyang asawa.

Ayon sa pulisya, dumating si Akiko Uemura sa koban dakong alas-2:30 ng hapon nang Miyerkules at sinabing sinakal niya ang kanyang 63-anyos na asawang si Shigeki sa kanilang tahanan noong Martes ng umaga, iniulat ng Fuji TV. Ang mga pulis ay sumugod sa apartment sa Isogo Ward at natagpuan ang bangkay ng kanyang asawa. Nasa tabi ng kanyang katawan ang isang pisi na ginamit upang ito ay  masakal. Dinala siya sa ospital kung saan binawian na ito ng buhay.

Si Uemura ay kinausap ng pulisya at nagsabi ito na ang kanyang asawa ay may sakit sa kalusugan at madalas na nakaratay sa kama.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund