36 anyos na lalaki arestado, matapos matagpuang parehong patay ang magulang sa kanilang tirahan

Natagpuan ng mga pulis ang mga bangkay dakong alas-7 ng gabi noong Linggo sa tirahan ng kanilang anak sa Yamashina Ward.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

KYOTO-
Inaresto ng pulisya sa Kyoto noong Lunes ang isang 36-anyos na lalaki matapos matagpuan ang bangkay ng kanyang mga magulang sa kanyang tahanan noong Linggo.

Sinabi ng pulisya na si Shinya Matsui 66-anyos, isang empleyado ng kumpanya at ang kanyang asawa 61-anyos, ay sinaksak hanggang mamatay, iniulat ito ng Sankei Shimbun. Natagpuan ng mga pulis ang mga bangkay dakong alas-7 ng gabi noong Linggo sa tirahan ng kanilang anak sa Yamashina Ward.

Sinabi ng pulisya na ang bunsong anak ng mag-asawa, na nakatira sa kanila, ay tumawag sa 110 bandang 6:20 ng gabi noong Linggo, na sinasabing nabigo ang kanyang mga magulang na makauwi matapos bisitahin ang tahanan ng kanyang nakatatandang kapatid.

Bandang alas-8 ng gabi araw ng Linggo, ang panganay na anak ay inaresto ng pulisya sa Kameyama, Mie Prefecture, dahil sa hinalang paglabag sa Batas Trapiko (beating the red light).

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund