Inaresto ng pulisya ng Tokyo ang tatlong Hapon na nameke ng application at nakatanggap ng ayuda na nauugnay sa coronavirus sa pamamagitan ng pakikipag sabwatan sa isang Vietnamese student.
Sinabi ng pulisya isa sa mga suspect ay may-ari ng isang adult entertainment business at dalawa pa, ay nag-apply para sa programang ayuda ng gobyerno sa pagitan ng Hulyo at Agosto ng nakaraang taon. Nakatanggap umano sila ng humigit-kumulang 18,000 dolyar na mga ayuda.
Sinabi nila na ang mga pinaghihinalaan ay nagsumite ng mga aplikasyon gamit ang mga pangalan ng ibang mga tao, kabilang ang mag-aaral na Vietnamese, na sinasabing ang kanilang negosyo ay nalugi dahil sa pandemya. Sinasabing binayaran ng mga suspek ang mga kasbwat nito ng kanilang mga parte.
Sinabi ng pulisya na ang mga suspek ay gumamit din ng iba pang mga mag-aaral na Vietnamese at nag apply ng ayuda gamit ang kanilang mga pangalan.
Naghihinala ang pulisya na ang tatlong suspect ay nakatanggap ng kabuuang 900,000 dolyar sa walong buwan hanggang nitong Marso.
Join the Conversation