Suspect arestado sa pagnakaw ng pera ng lalaking nasagasaan ng train

Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang isang 61-taong-gulang na lalaki sa pagnanakaw ng pera mula sa pitaka ng isang lalaking nakahandusay sa riles ng train matapos na masagasaan ito ng train.  #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSuspect arestado sa pagnakaw ng pera ng lalaking nasagasaan ng train

TOKYO

Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang isang 61-taong-gulang na lalaki sa pagnanakaw ng pera mula sa pitaka ng isang lalaking nakahandusay sa riles ng train matapos na masagasaan ito ng train.

Ayon sa pulisya, ang insidente ay naganap dakong 10:50 ng gabi. noong Aug 29 sa Seibu Shinjuku line, iniulat ng Sankei Shimbun. Ang lalaking nasa edad 50 na nasagasaan ng isang express train na naglalakbay sa pagitan ng mga istasyon ng Toritsu-Kasai at Nogata.

Sinabi ng pulisya na si Toshihiro Yoshida, walang trabaho na residente ng Nakano Ward ng Tokyo, ay nagnakaw umano ng cash mula sa isang pitaka sa isang bag na pag-aari ng biktima habang nakahandusay siya sa tabi ng mga track. Ang biktima ay nakasakay sa kanyang bisikleta nang mabangga siya ng train sa tawiran.

Ipinakita sa footage ng security camera si Yoshida na kinuha ang pitaka, inaalis ang cash at inilagay ulit ang wallet sa bag.

Isang passerby ang tumawag sa 119 at ang biktima ay dinala sa ospital kung saan namatay ito dahil sa kanyang natamong mga sugart.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund