SAITAMA (Kyodo) – Isang sunog sa isang pangunahing pasilidad ng substation malapit sa Tokyo na ngpapatakbo ng East Japan Railway Co. ang naging sanhi ng pagkawala ng kuryente noong Linggo, pinilit ang operator na pansamantalang suspindihin ang mga serbisyo ng train sa maraming linya sa Tokyo metropolitan area at nakaapekto ng mahigit 236,000 n commuters, sinabi ng kumpanya.
Ang lokal na departamento ng bumbero sa Warabi, Saitama Prefecture, ay tumanggap ng tawag bandang 12:55 ng hapon na nag-uulat ng sunog sa substation facility sa lungsod. Ang sunog ay nakontrol sa tatlo at kalahating oras at walang nasugatan, ayon sa lokal na pulisya at departamento ng bumbero.
Ang sanhi ng sunog ay patuloy pa rin sa pagsisiyasat ngunit sinabi ng pulisya na ang isang silid na kinalalagyan ng mga transformer sa loob ng substation facility ay nawasak.
Ang pasilidad ay may kritikal na papel sa pagpapadala ng kuryente sa mga train na nagpapatakbo sa Tokyo at mga kalapit na lugar sa pamamagitan ng iba pang mga substation. Ang JR East ay tumigil ang mga serbisyo, kabilang ang mga linya ng Yamanote, Keihin-Tohoku at Joban.
Karamihan sa mga apektadong linya kasama ang Yamanote ay nagpatuloy sa pagpapatakbo ngunit bahagi ng Shonan-Shinjuku Line na nag-uugnay sa Gunma at Tochigi prefecture, hilaga ng Tokyo, at Kanagawa Prefecture, timog ng kabisera, ay wala nang serbisyo sa natitirang araw.
Sinabi ng isang lalaking nakatira malapit sa pasilidad na nakita niya ang itim na usok na nagmula rito at naamoy ang isang bagay na nasusunog. Isa pang lalaki sa kapitbahayan ang nagsabing nakakita siya ng mga apoy na kasing taas ng 20 metro ng ilang beses.
Sa Akabane Station sa Kita Ward ng Tokyo, mahigit sa 100 katao ang naghihintay sa pila upang makakuha ng taxi o sumakay ng bus dahil pansamantala na sinuspinde ang lahat ng serbisyo sa train.
Join the Conversation