Princess Mako, dumalo sa huling ritual rite bago magpa-kasal

Isang rite na kung saan ang bagong aning mga bigas ay iaalay sa mga deities ay isinagawa sa Kashikodokoro sanctuary.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPrincess Mako, dumalo sa huling ritual rite bago magpa-kasal

Dumalo sa isang seremonya sa Imperial Palace si Princess Mako. Ito ang huling ritual ceremony ng princessa na kanyang dadaluhan bilang isang miyembro na Imperial Family bago siya makipag-isang dibdib sa pag-tatapos nitong buwan.

Ang pinaka-matandang anak na babae ni crown Prince at Princess Akishino ay umalis sa Akasaka Estate lulan ng isang kotse kasama ang kanyang kapatid na babae na si Princess Kako, nitong umaga ng Linggo.

Ang princessa ay kumaway at nag-bow sa mga reporters at mga nag-dadaang tao sa paligid nang dumaan ang kanilang sinasakyan sa Hanzomon Gate papasok sa palasiyo.

Isang rite na kung saan ang bagong aning mga bigas ay iaalay sa mga deities ay isinagawa sa Kashikodokoro sanctuary.

Dumalo rin si Emperor Naruhito at Crown Prince at Princess Akishino kabilang ang ilang miyembro ng Imperial Family.
Si Princess Mako ay naka-set na magpa-kasal sa kanyang dating kamag-aral na si Komuro Kei sa October 26. Mawawalan na siya ng istatus sa Imperial Family at magiging isang commoner.

Ang princessa ay mare-reunite kay Komuro sa unang pagkaka-taon sa loob ng tatlong taon ngayong Lunes, nang ito ay bumisita sa princessa at Crown Prince at Princess Akishino sa kanilang tahanan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund