TOKYO- isang mag-asawa na nasa kanilang 20s ay nasintensiyahan ngayong Lunes sa pag-patay sa isang 18 anyos na Tokyo high school girl sa Yamanashi Prefecture nuong nakaraang Agosto, ayon sa prosekyutor ng Tokyo.
Si Shohei Komori, 27 anyos at ang kanyang asawa na si Izumi, 28 anyos ay sinakal ang isang babae na ang pagkaka-kilanlan ay hindi inilabas, gamit ang isang lubid sa isang storage shed sa Yamanashi at sinaksak ito ng paulit-ulit sa kanyang likuran nuong ika-30 ng Agosto, ayon sa sintensiya.
Base sa isang security camera footage, pinaniniwalaan ng mga imbestigador na sinama ng dalawa ang dalagita mula sa kanyang paaralan, isang senior sa isang pribadong paaralan at isang residente ng Sumida Ward sa Tokyo, nuong August 28 at ang tatlo ay nagpa-lipas ng gabi sa bahay ng magkasintahan sa Shibukawa sa Gunma Prefecture.
Pinaniniwalaan na ang tatlo ay nilisan ang Gunma kinagabihan kinabukasan at nakarating sa storage shed nuong August 30, ayon sa mga imbestigador. Isang duguang kutsilyo ang natagpuan sa shed.
Ang mag-asawa ay inaresto nuong August 31 sa suspisyong pag-aabandona sa labi ng babae, matapos silang mahuli ng mga pulis sa Prepektura ng Nagano. Sila ay hinainan ng bagong labas na warrant of arrest dahil sa pag-patay nuong ika-20 ng Septyembre.
Sinabi ni Komori sa mga pulis na nakilala niya ang biktima dalawang taon na ang nakalilipas sa pamamagitan ng Twitter, at kalaunanan ng malaman ito ng kanyang asawa ito ay nag-selos, ayon sa mga pulis.
Ang babae ay umalis sa kanilang tahanan bandang tanghali nuong August 28, na nag-sabi sa kanyang ina na makikipag-kita ito sa kanyang mga kaibigan at siya ay babalik rin kinagabihan. Tumawag ang kanyang ina sa mga pulis nang hidi pa bumabalik ang kanyang anak kalaunan nuong araw na hindi na ito matawagan.
Umamin ang mag-asawa sa pag-patay at pag-tapon sa labi nito.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation