Share
NARITA, Chiba – Ang mga bulaklak ng cherry o sakura ay nakita kamakailan na namumulaklak nang wala sa panahon sa tourist spot na Narita Dream Farm sa lungsod na ito sa silangan ng Tokyo.
Ang mga blossoms sa dalawa hanggang tatlong Somei Yoshino at pito hanggang walong mga puno ng cherry ng Kawazu ay nag full bloom noong nakaraang linggo, at namulaklak pagkatapos ng malakas na hangin na dinala ng Bagyong Mindulle na lumapit sa lugar noong Oktubre 1.
Ipinaliwanag ng Narita Dream Farm, “Sa nagdaang mga araw, dahil sa malaking pagkakaiba ng temperatura sa pagitan ng gabi at araw, maaaring naging senyales ito sa puno na akala ay nasa spring season at panahon na para mamulaklak”
(Orihinal na Japanese ni Tadakazu Nakamura, Narita Bureau)
Join the Conversation