Sumuko sa mga awtoridad ang isang lalaki, matapos aminin na pinatay niya ang kanyang ina at itinapon sa bundok ang mga labi nito

Siya ay sumuko dahil wala na siyang pera at hindi na alam ang kanyang gagawin kung kaya't napag-desisyonan na sumuko na lamang.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

Ayon sa Police sa Sapporo, isang 42 anyos na lalaking walang trabaho ang sumuko sa isang Police Station at umamin sa pag-paslang sa kanyang sariling ina at itanapon umano ang katawan nito sa isang mabundok na lugar.

Ayon sa mga pulis, si Yuske Sugimura ay nagpunta sa Higashi Ward na Police Station sa Sapporo nuong hapon ng Huwebes at nag-sabi na pinatay niya umano ang kanyang ina na naninirahan sa Lungsod ng Tobetsu, nuong ika-16 ng Agosto, ayon sa ulat ng Fuji TV. Sinabi niya sa mga pulis na dinala niya ang labi ng ina sa isang matalahib na overpass at tinapon ito roon, nga 10 metro ang taas.

Agad na inaresto si Sugimura nuong Biyernes matapos matagpuan ang nabubulok ng katawan ng ina. Wala ng ibang impormasyon na ibinahagi ukol sa sanhi ng pagkamatay ng ginang, na si na pag-alamang nasa kanyang 70s.

Sinabi umano ni Sugimura sa mga pulis, na siya ay naninirahan kasama ang kanyang ina, siya ay sumuko dahil wala na siyang pera at hindi na alam ang kanyang gagawin kung kaya’t napag-desisyonan na sumuko na lamang.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund