Nakitang foreign matter sa Moderna COVID vaccine napag-alaman na stainless metal

Ang foreign matters na natagpuan sa maraming Moderna vaccine ay nakumpirma na particles ng stainless steel na pinaghihinalaang nahalo noong i-manufacture ito, sinabi ng ministeryo sa kalusugan noong Miyerkules. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNakitang foreign matter sa Moderna COVID vaccine napag-alaman na stainless metal

TOKYO (Kyodo) – Ang foreign matters na natagpuan sa maraming Moderna vaccine ay nakumpirma na particles ng stainless steel na pinaghihinalaang nahalo noong i-manufacture ito, sinabi ng ministeryo sa kalusugan noong Miyerkules.

Ang sangkap ay malamang na nahalo dahil sa friction sa pagitan ng dalawang pirasong metal na naka-install sa linya ng produksyon, na sanhi ng isang hindi maayos na pag-set up ng makina, ayon sa isang pag-iimbestiga ng drugmaker ng Estados Unidos na Moderna at Takeda Pharmaceutical Co., ang distributor ng bakuna sa Japan.

Ang mga doses ng bakuna sa ilalim ng tatlong numero ng lot na 3004667, 3004734 at 3004956 ay nasuspinde na mula sa paggamit sa Japan mula nang matagpuan ang foreign matters noong nakaraang buwan.

Noong Agosto, dalawang lalaki sa kanilang 30s ang namatay matapos silang makatanggap ng doses ng bakunang Moderna mula sa isa sa tatlong lot.

Sinabi ng mga drugmaker na walang katibayan na ang pagkamatay ay nauugnay sa pagbibigay ng bakuna at ang ugnayan ay kasalukuyang itinuturing na “coincidental”

Hanggang sa ngayon, mahigit 110 milyong katao na sa 45 na bansa ang nakatanggap ng doses ng bakuna ng Moderna, ayon sa mga kumpanya.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund