Mahigit sa 1,000 na mga fire ants, kabilang ang 4 na reyna, natagpuan sa isla ng Osaka

Mahigit sa 1,000 na pulang langgam o fire ants, isang invasive na species na may nakakalason na kagat, ang natagpuan sa artipisyal na isla ng Sakishima sa lungsod ng Osaka's Suminoe Ward noong Agosto at Setyembre, inihayag ng Pamahalaang Prefectural ng Osaka. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMahigit sa 1,000 na mga fire ants, kabilang ang 4 na reyna, natagpuan sa isla ng Osaka

OSAKA – Mahigit sa 1,000 na pulang langgam o fire ants, isang invasive na species na may nakakalason na kagat, ang natagpuan sa artipisyal na isla ng Sakishima sa lungsod ng Osaka’s Suminoe Ward noong Agosto at Setyembre, inihayag ng Pamahalaang Prefectural ng Osaka.

Kasama sa bilang ang isang kolonya ng langgam at apat na reyna. Ito ang ika-11 beses na natagpuan ang mga langgam sa prefecture mula noong una silang nakumpirma sa Osaka Port noong Hulyo 2017.

Ayon sa anunsyo ng gobyerno ng prefectural noong Setyembre 28, may 300 na mga langgam ang natagpuan sa isang kanal malapit sa port ng isla noong Agosto 23.

Nagbabala ang pamahalaang prefectural na ang masakit na kagat ng mga langgam ay nagdudulot ng mga sintomas kabilang ang lagnat. Sinabi ng mga opisyal na plano nitong i-exterminate ang mga colony upang huwag nang dumami at kumalat sa Sakishima.”

(Orihinal na Japanese ni Yukina Furukawa, Osaka City News Department)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund