18 anyos na babae arestado, matapos matagpuan ang labi ng bagong silang na bata sa loob ng palikuran ng tahanan

ang ikinamatay nito ay sanhi ng kakulangan sa hangin dahil sa pagkaka-sakal sa leeg. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

– inaresto ng Ibaraki Prefectural Police ang isang 18 anyos na babae sa suspisyong pag-aabandona ng labi ng isang bagong panganak na sanggol sa banyo ng kanilang tahanan.

Ayon sa mga pulis, ang babae, na isang high school student ay nanganak sa palikuran ng kanilang tahanan nuong August 16, mula sa ulat ng Sankei Shimbun. Inilagay umano ng babae ang sanggol sa isang plastic at isinuksok sa bandang likuran ng banyo. Nuong August 22, natagpuan ng ama ng babae ang labi ng sanggol at agad na tumawag ng pulis.

Ayon sa mga pulis, hindi umano alam ng tatay na nagdadalang tao ang kanyang anak.

Sinabi pa ng mga pulis na nakita sa awtopsiya ng bata na ang ikinamatay nito ay sanhi ng kakulangan sa hangin dahil sa pagkaka-sakal sa leeg.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund