Sinabi ng Japan Health Ministry na ang bilang ng mga taong may malubhang kaso ng coronavirus na gumagamit ng ventilators at tumatanggap ng intensive care treatment ay nasa 2,158 sa buong bansa nitong Huwebes.
Ang bilang ay ang pinaka-mataas sa talaan, mas mataas ng 48 kumpara nuong nakaraang naitalang set nuong Martes.
Kinumpirma ng Tokyo Metropolitan Government ang 3,099 na bagong kaso ng coronavirus sa kapitolyo nitong Huwebes.
Ang arawang tally ay nag-marka na week-on-week na pag-baba sa loob ng 11 araw.
Ang pitong-araw na average mula nuong Huwebes sa Tokyo ay 3,140 o 72.1 percent mula sa pigura nuong nakaraang linggo. Ito ay ang pagbaba ng bilang sa loob ng siyam na araw mula nuong nakaraang linggo.
Ang cumulative number ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus sa kapitolyo ay nasa 349,841.
Ayon sa mga opisyal, 291 katao ang nakararanas ng malubhang kaso ng impeksyon sa kapitolyo, tumaas ng lima mula nuong Miyerkules.
Sinabi rin ng mga ito na may 10 katao na ang namatay sanhi ng virus sa Tokyo nitong Huwebes, na siyang nag-dadala ng total na bilang na 2,510.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation