TOKYO
– inaresto ng Tokyo police ang isang 22 anyos na babae sa suspisyong tangkang pag-patay sa kanyang nobyo nang saksakin umano nito ang lalaki sa ulo sa kanyang apartment sa Tokyo.
Ayon sa mga pulis, si Erika Otsuka na hindi pa alam kung saan nakatira at ano ang trabaho ay inakusahang sumaksak sa kanyang nobyo sa tahanan nito sa Katsushika Ward sa Tokyo bandang alas-5:00 ng umaga nuong Martes, ayon sa ulat ng Fuji TV. Ang biktima na isang company employee ay nai-ulat na naka-takas sa kanyang apartment at tumakbo patungo sa isang police box na may 70 metro kalayo mula sa kanyang bahay. Ang mga pulis ay agad na nag-tungo sa apartment kung saan nahuli si Otsuka.
Itinanggi ni Otsuka ang paratang sa kanya at nag-sabi na wala siyang intensyon na patayin ang lalaki. Sinabi ng mga pulis na ang babae ay naka-inom nuong oras na ito ay nahuli.
Ang kanyang nobyo ay agad na dinala sa pagamutan kung saan sinabi ng mga doktor na aabot ng mahigit 3 buwan bago ito mag-hilom.
Ilang mga witness ay nag-sabi sa mga reporters na ilang beses na nilang nakita ang dalawa na nag-aaway sa labas ng apartment nuong mga nagdaang buwan.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation