Isang grupo ng Japanese researchers ang nag-sabi na nakita niyo ang isang bagong mutation ng Delta Coronavirus variant sa unang pagkakataon sa Japan.
Ang grupo na pinamumunuan ni Associate Professor Takeuchi Hiroaki ng Tokyo Medical and Dental University Hospital ay inanunsiyo ang natagpuan nitong Lunes.
Ang grupo ay nag-sabi na ang mutation ay nadiskubre sa isang pasyente na infected ng delta variant na bumisita sa institusyon nuong kalagitnaan ng Agosto.
Sinabi nila na naibunyag ang N501S mutation mula sa isang genetic analysis.
Sinabi ng grupo na walong kaso pa lamang ng mutation ang nai-ulat sa labas ng bansa.
Ang N501S mutation ay may kahawig sa N501Y variation ng Alpha variant na siyang unang nadiskubre sa Britain. Isinaad rin ng grupo na hindi pa malinaw kung ang mutation na nadiskubre ay may impact sa transmissibility ng virus.
Nais pang mapag-aralan mabuti ng grupo ang nasabing mutation sa virus.
Sinabi ni Takeuchi na dapat bigyan ng full effort upang ma-contain ang coronavirus, dahil ang patuloy na pagkalat ng impeksyon ay maaaring mag-sanhi ng patuloy na emergence ng mga bagong variants sa bansa.
Ipinatawag niya rin ang pag-gamit ng genetic analyses upang mapag-tibay ang pag momonitor sa virus.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation