80 taong gulang na ginang at anak nitong babae, pumanaw sanhi ng pagka-sunog sa kanilang tahanan sa Aomori
Hindi pa nadedeterma ng mga imbestigador kung ano ang pinag-mulan ng sunog.

AOMORI
– isang 80 taong gulang na ginang at ang nanak nitong 54 anyos na ginang ay namatay sa isang sunog na tumupok sa 2 palapag nilang tahanan sa Aomori City nuong Sabado.
Ayon sa mga pulis, makikita ang apoy mula sa bahay ni Tomoko Kon bandang alas-11:30 ng umaga, ayon sa ulat ng Fuji TV. Umabot ng mahigit 2 at kalahating oras bqgo nasugpo ng mga bumbero ang apoy. Natagpuan ng mga bumbero ang dalawang labi sa ikalawang palapag.
Magkasamang naninirahan sa bahay si Kon at ang kanyang anak, ani ng mga pulis, idinagdag rin nito na hindi pa nadedeterma ng mga imbestigador kung ano ang pinag-mulan ng sunog.
Source: Japan Today
Image: Gallery





