Noong August 10 bandang 5am, isang 25-year-old na Pilipino na isang welding worker sa Ryugasaki City ang nalunod habang nangingisda malapit sa headland (artificial cape) sa Shimizu, Kashima City, Ibaraki Prefecture, nahulog siya sa dagat at inanod ng alon.
Ang mga lalaking kaibigan ng biktima ay napansin na siya ay nahulog at inahon siya mula sa dagat. Dinala siya sa ospital ngunit namatay din kalaunan.
Iniimbestigahan ng pulis ang detalye ng aksidente.
Ayon sa police, ang kababayan natin ay dumating sa lugar kasama ang 10 niyang kaibigan upang mangisda sa lugar. Isang babae ang nakakita noong oras na nahulog ang lalaki at agad na tumawag ito sa 110. Mayroong off-limits sign na nakalagay sa lugar.
Sa prefecture, marami na ang naganap na aksidente sa vicinity ng Headland kung saan ang mga nagswimming ay naanod sa alon at nalulunod. Maraming mga Rip currents sa lugar kung kaya’t ang local government at police ay palaging nagi-issue ng babala.
Join the Conversation