Pag-sisindi ng apoy para sa Tokyo Paralympics, sinimulan na

Ang mga apoy na kumakatawan sa pag-asa para sa lipunan ay sinisindihan na sa buong bansa sa pamamagitan ng kani-kanilang paraan na siyang nag-papakita ng mga katangian ng kanilang rehiyon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPag-sisindi ng apoy para sa Tokyo Paralympics, sinimulan na

Ang seremonya para sa pag-sisindi ng apoy para sa Tokyo Paralympic Games ay sinimulan na nuong Huwebes sa mahigit na 880 location sa buong Japan.

Ang mga apoy na kumakatawan sa pag-asa para sa lipunan ay sinisindihan na sa buong bansa sa pamamagitan ng kani-kanilang paraan na siyang nag-papakita ng mga katangian ng kanilang rehiyon.

Sa Lungsod ng Unnan sa prepektura ng Shimane sa western Japan, ang mga lokal na manlalaro na may kapansanan sa intelektwal ay gumawa ng apoy gamit ang isang makalumang pamamaraan.

Sa isang templo sa Lungsod ng Yamagata, sa northern Japan, isang apoy ang sinindihan mula sa isa pang apoy na sumisilab na 1,200 taon na ang nakalilipas.

Ang Torch relays ay naka-takdang isa-gawa mula ika-17 ng Agosto sa Tokyo at tatlo pang ibang Prepektura– Shizuoka, Chiba at Saitama na siya ring kabilang sa mag-hohost ng Paralympic Events.

Ngunit ikinansela naman ang relays sa pampublikong kalsada sa Chiba, Saitama at Tokyo sanhi ng patuloy na pag-kalat ng coronavirus. Isasa-gawa pa rin ang mga lighting ceremonies at iba pang mga events.

Ang mga apoy sa buong bansa at ang isa na kinulekta mula sa Britaniya, ang pinag-mulan ng Paralympics ay dadalhin sa Tokyo sa ika-20 ng Agosto. Ang apoy ay gagamitin upang sindihan ang cauldron sa opening ceremony na gaganapin sa ika-24 ng Agosto.

 

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund